Moment sa jeepney
Lamig ng hangin sa labas ng sasakyan dala narin siguro ng hangin na malayang dumadaan sa mga bintana ng jeepney. At habang malakas ang hangin na dumadaan sa bintana nito ayun ung maganda kong hair at bangs mega nilipad na kagrabe…wish ko lang na maayos ko pa ito mamaya pagdating ko sa trabaho. Pano ba naman kasi kung pano natuyo ang buhok ganun na sya magahapon. Astig diba? Eh pano kung mega taas sya ng natuyo, mustahin mo naman ung buhay ko nun..
Karamihan ng mga kasakay ko ngaun eh mga natutulog na. Ung iba naman mega nagmomoment habang nakatingin ng malayo sa daan. Meron naman simpleng tanaw lang sa bawat daanan ng sasakyan. Ako? Aun, mega concern sa hair ko at mega observe lang sa paligid.
I wonder kung ano iniisip nila habang nsa sasakyan…hehehe..simpleng tsismosa lamang..Hmm..nde nman sa gnun, wala lang curious lang aq..Ako kasi pag nasa sasakyan dami kong minomoment..Iba-iba bawat araw.. Pag papasok ako sa trabaho, inaalala ko kung anong mga activities ang dapat kong gwin for that day. Ano target kong ma accomplish..at ung mga bagay na dapat kong pagkaabalahan the whole day.
Pero di naman always gnun noh..xempre my moment din na inalala ko kung ano meron sa bahay lalu na kung umalis aq na may conflict kay Mader, wahehehe..lately lagi na lang kami nagkakatampuhan.
Minsan din mega flashback lang dun sa favorite movie ko na napanood or dun sa palabas kagabi..lalu na pag kakakilig ung moment na un..wahehehehe..siguro somehow im wishing na ngyayari nga talaga un in real life..
Pagpa-uwi naman ako mega antok lang ako sa sasakyan kia la narin maxadong moment. Pero minsan pag masama loob ko or merong event sa office na nde ko maxadong ngustuhan, buong biyahe hanggang kinabukasan pagpasok ko part un ng moment ko..sawi talaga..
Balik tayo sa sasakyan…hmm. Ung driver seryoso sa pagdadrive nde man lang ngumingiti. Parang kalaban ang buong mundo sa taray look.
Maxadong tahimik sa loob ng sasakyan. Makina lang ng jeep ung naririnig ko, kainis wala man lang music, kaboring tuloy. Buti pa ung isang babae naka mega headset xa. I bet drama pinakikinggan nun, wahehehe…