fo0tbRiDgE..

Sa araw-araw kong pagdaan sa footbridge na malapit dun sa work ko, lagi ko nakikita si Tatang sa tabing gilid ng hagdan.  Tahimik na nakaupo sa tabi habang sukbit ang isang malaking plastic na nde ko sure kung anong laman.  Sa tapat nya isang lata ng gatas na kalawang na ang nagsisilbing design.  Napansin kong maputi na ang lahat ng buhok ni Tatang.  Kulubot na maitim ang balat nya.  Minsan nakikita ko sya na may piraso ng tela na nakapalibot sa ulo nya.  Nde ko alam kung para san un at kung anong naitutulong nun sa kanya.  Kahit umuulan lagi nandun si Tatang bitbit nya ung kanyang payong na kulay maroon na sira-sira narin at marahil pinagtityagaan na lang.  Halos laylay na nga ang mga piraso ng metal na pangsuporta sa damit ng payong. Ang payong na bitbit nya ay halos kasing edad narin niya marahil…….. 

Nde lang naman si Tatang ang madalas na nandun.

Minsan, isang mainit na hapon ng sabado, may dalawang bata na ang tancha ko sa nasa edad na 5 hanggang 7 taong gulang.  Nakahiga sila sa gitnang parte ng foodbridge (ginawa nilang

kama

ung daan) habang yakap ng isang batang babae ang kapatid nito na mas bata sa kanya.  Tanging banner na nakasabit sa gilid ng foodbridge ang tumutulong sa kanila upang nde direktang mainitan o masinagan ng matinding init. Ginagamit nila ang anino ng makapangyarihang banner para sa kanilang dalawa.  Napansing kong mejo brown ang hair nilang dalawa, naisip ko nga na baka nagpakulay (daig pa ko, hehehe)..Madumi ang damit nila at gayundin ang kanilang balat.  Tila naglaro ng maghapon sa isang ulingan.  Nang kaming dalawa ng kasama ko napadaan sa tapat nila, narinig kong nagsalita ung isang bata (pinakamatanda sa dalawa) na nanghihinga ng barya para sa pagkain daw nila……. 

Mayroon ding mag-ina sa footbridge.

Isang babae na may karga sa munti nyang anghel ang kanyang nilalaro, habang nag-aabang ng mga taong may mabuting kalooban na magbibigay sa kanila ng kahit magkano.  Ang ganda tingnan ng ngiti ng bata.  Animo’y hindi nararamdaman ang pagkalam ng sikmura dahil sa akap ng ina niya.  Ang ina naman niya na nde kakakitaan ng pagkabigat sa pagkarga sa kanya ay malambing na nilalaro ang anak.  Napatingin ang babae sa akin ng ako ay dumaan……… 

Hindi lamang ang bigat ng mga taong dumadaan dito ang dinadala ng ‘footbridge’ pati narin ang kanya-kanyang drama ng buhay ng bawat taong tumatawid at pumuwesto dito…… 

Leave a Reply